Heto na naman ako, balik sa umpisa. Nagsisimula na naman akong mawalan ng direksyon. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. May mga oras na inspired ako pero bakit parang wala na naman akong gana magpatuloy ulit. Ang gulo ng isip ko, sing gulo ng buhay ko.
Matagal ko na gusto maging active ulit dito sa Tumblr. At dahil first day of the year, ngayon ko naisipang magsimula ulit.
Andito ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko. Galing kasi kami sa New Year’s countdown sa MOA kagabi at naisipan namin na dito na lang tumuloy para makapag-bonding. Pare-pareho kaming walang kasamang pamilya sa new year’s eve kaya nagdecide kaming magkita-kita para di naman masyadong malungkot ang pagsalubong namin sa bagong taon.
Habang itinatype ko ‘to, nag-iisip ako kung ano bang new year’s resolution ang gagawin ko, pero wala talaga akong maisip. Pakiramdam ko kasi wala namang natutupad sa mga previous resolutions ko. Sabi nga sa nabasa ko, “Don’t make a resolution, make a goal.” Pero bakit kaya pati ang goal nahihirapan akong isipin kung ano. Madaming ideas ang pumapasok sa isip ko, pero di ko kayang i-materialize. Kailangan ko pa ata ng konting push o tamad lang siguro talaga ako. Yun ang dapat kong baguhin. Ang hirap no?
Ilang oras na lang, flight ko na papuntang Cagayan de Oro. Nagkasundo kasi kami ng mga kaibigan ko na pumunta dun para i-celebrate ang birthday ko. Tatlo ang destinasyon namin sa tatlong araw — Cagayan de Oro, Bukidnon at Camiguin. Nakarating na ako dun 4 years ago, birthday ko din. ( Kasama ang dating boyfriend ko.)
Kararating ko lang ng bahay at medyo nakainom ako ngayon. Di ko pa naaayos ang mga gamit na dadalhin ko, di pa ako nakakapag-empake.
Lutang ako ngayon. Hindi ko alam kung epekto lang ba ‘to ng alak o ng kabaliwang ginawa ko. Eto yung isa sa mga panahong gusto kong lamunin na lang ako ng mismong kinalalagyan ko. Pero hindi pwede. Kailangan kong bumalik sa katinuan at isipin na dapat kong ienjoy ang bakasyong ito. Malayo sa taong hindi ko naman dapat kasama in the first place.
Ngayon mas naiintindihan ko na yung linyang “Happiness is a choice”. Pwede kang magpakasaya o magpakabaliw sa kalungkutan, kung san ka mas komportable. Nasa sa’yo lang kung paano mo tatanggapin ang mga bagay na dumadating sa buhay mo. Kung nasaktan ka, umiyak ka. Pero pagkatapos mong umiyak, saktan mo din yung taong nanakit sayo. Hahaha joke lang. Magmove on ka na.
Dadating na lang yung oras na ikaw na mismo ang magsasawa. Kung dati, todo ang effort mong magparamdam at humingi ng atensyon, hahantong ka rin sa oras na ikaw na mismo ang iiwas sa kanya. Iisipin mo na lang kung tama pa ba yung pagpapaasa nya sa’yo. Siguro nga kaya hindi ka nya binibigyan ng importansya eh kasi di ka talaga mahalaga sa kanya. Masyado syang komportable kasi akala nya, nandyan ka lang kung kailangan ka nya. Na hindi mo sya iiwan.
Hindi ka matatauhan, kung patuloy ka pa ring umaasa kahit wala naman talagang dapat asahan. Iba yung taong tanga sa taong nagtatanga-tangahan. Madami pa dyang iba, yung deserving at mas higit sa kanya.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung kelan okay na akong
mag-isa, saka naman may dadating at biglang manggugulo sa mundo ko. Kung kelan okay na ako ng ganito, may biglang eeksena at di sinasadyang ipamukha sakin na hindi ako totoong masaya. Kaya minsan ayoko ng mag-entertain ng mga taong gustong mapalapit sakin kasi iniisip ko na aalis din sila. Papasok lang sila sa buhay ko at ipaparamdam na mahalaga ako, ipapa-experience lang saken kung gaano kasaya magmahal at mahalin.
Tapos kung kelan masaya na ako at kuntento, bigla na lang silang mawawala at iiwan ako ere. Ang masama mas dobleng sakit pa yung mararamdaman ko kumpara sa sakit na naramdaman ko nung di ko pa sila
nakilala.
Bago matapos ang araw na ‘to, balak kong batiin ng “Happy Father’s Day” ang tatay ko. Kaso mukhang di ko na magagawa. Siguro nga hanggang salita lang talaga ako. Mahirap kasi gawin ang mga bagay na di naman talaga bukal sa loob mong gawin, yung napipilitan ka lang. Kailangan mo lang gawin dahil sa okasyon.
Alam ko, masama akong anak. Tanggap ko na yun at siguro nga wala pa sa plano kong baguhin ang ganung tingin sa akin ng pamilya at kamag-anak ko. Kung pagmamahal lang din ang pag-uusapan, mahal ko ang tatay ko. May mga panahong naaawa ako sa kanya, may mga panahong naiinis ako sa kanya. Yung galit, siguro dati. Sobrang galit yung naramdaman ko sa kanya, pero tingin ko napatawad ko na sya, di pa ako sigurado.
Nasa ibang bansa ang tatay ko at balak ko sanang tawagan sya ngayon pero pag naiisip ko na wala na akong ibang sasabihin kundi “Happy Father’s Day”, mas mabuti pang wag na lang. Kesa pareho pa kami ma-ilang sa sitwasyon. Siguro itetext ko na lang sya. Ang sama ko talaga. :/
Hindi ako yung tipo ng taong pupuriin ka para magustuhan mo ako. Kung gusto mo ng sipsip at plastik, wag mo na lang akong kaibiganin.
Obvious ba na puro social networking sites na lang ang inaatupag ko? Kung binabayaran lang ako sa pag-oonline ko, siguro ang yaman ko na.
This is a profile page of someone from a dating application. Makes sense to me. Dadating talaga yung oras na hindi na itsura ang unang hahanapin mo sa isang taong gusto mong makasama habang-buhay.
Sarap siguro iparamdam sayo yung salitang balewala. Yung walang pakialam sayo ang mga taong pinahahalagahan mo. Wala silang pakialam kahit mawala ka kasi hindi ka importante sa buhay nila. Sana maranasan mo para alam mo na kung ano ang nararamdaman ko.
Nakakalungkot naman. Alam kong hindi lahat ng bagay permanente pero ngayon lang nagsink-in sa akin to. Akala ko okay lang, pero kung kelan malapit nang umalis yung isang taong malapit sayo, saka mo lang talaga marerealize kung gaano ka nya napasaya at gaano sya kahalaga sayo. Pero kahit gaano mo pa gustuhing pigilan sya na wag umalis, wala ka namang magagawa. Bakit? Kasi pakiramdam mo dun sya sasaya dahil yun ang ginusto nya.
Goodluck sayo, good friend. Salamat sa lahat ng tawanan. Mamimiss ka namin. :(
Sumakay ako sa jeep kanina pauwi. May tatlong pasaherong lalake sa dulo na naghaharutan at hindi maayos ang upo. Umupo ako sa tabi nung pangatlong lalaki. May kausap sya sa phone at nakatagilid.
Ako: Pwede pakiayos ng upo?
Sya: Maayos naman ah. ( pasindak ang tone ng boses at tumingin sakin na parang galit)
Ako: (Tinitigan ko lang sya ng malalim)
Inayos na yung upo nya pati mga kasama nya. Nung may bumaba na pasahero, umupo ako sa harap nya at tinitigan ko sya ulit. Umiiwas sya ng tingin na parang nahihiya. Pakiramdam ko ang astig ko, pero sa loob loob ko kinakabahan ako baka mapikon na sa akin at suntukin ako. Hahaha.


